Lending a helping hand.
Bilang tulong sa mga nasalanta at napinsala ng BagyongEgay kamakailan, waived ang remittance fees ng BDO Unibank sa mga donation na ipapadala sa BDO Remit offices nito abroad mula August 1 hanggang September 30, 2023.
Sa mga nais tumulong, maaari nilang ipadala ang kanilangdonasyon sa mga sumusunod:
- BDO Foundation, Inc.
- ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.
- GMA Kapuso Foundation, Inc.
- Philippine Red Cross
Bumisita lamang sa BDO Remit offices sa Hong Kong,Macau, Japan, Daly City sa USA, Toronto, Canada, at saUnited Kingdom. Para sa kumpletong listahan ng addresses, bumisita sa www.bdo.com.ph, click Remittance Services at piliin ang BDO Remit international offices.
"Isang malaking pagsubok muli ang Bagyong Egay samga kabayan natin. Umaasa kami na kahit papaano, maiibsan ang hirap na nararamdaman nila sapamamagitan ng zero remittance fee sa mga donasyon namanggagaling sa mga kapwa nating overseas Filipinos,” ani Genie T. Gloria, Senior Vice President at Head ng BDO Remittance.
Maraming probinsya na ang nag-declare ng State of Calamity dahil sa malaking pinsalang dulot ng BagyongEgay. Kabilang dito ang probinsya ng Pampanga, Cagayan, Ilocos Norte, Bataan, Cavite, Mountain Province, at Apayao.
No comments:
Post a Comment