Community Day at Financial Wellness Training ng BDO Network Bank, laking tulong sa Bataan

 




Nadagdagan pa ang kaalaman ng teachers at micro-entrepreneurs tungkol sa usaping pinansyal dahil sa isinagawang Community Day at Financial Wellness trainings ng BDO Network Bank sa Bataan, partikular na sa bayan ng Balanga, Dinalupihan at Morong.

 

Ang BDO Network Bank (BDONB), ang community bank ng BDO, ay bumisita sa mga malalayong komunidad sa Bataan para magsagawa ng financial trainings tungkol sa tamang pagba-budget, pag-iipon, pag-invest, at pag-loanpara sa negosyo o personal na pangangailangan. 

 

“Makatutulong ang financial literacy sa pag-unlad ng komunidad kaya tuloy-tuloy ang pagbibigay namin ng financial education sa iba’t ibang lugar,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, BDO Network Bank President.

 

Dagdag pa ni Itchon, layunin ng bangko na maabot at matulungan ang mga kababayan na maging mahusay sa paghawak ng pera para sa maunlad na pamumuhay.

 

Nakibahagi ang mga teachers sa Financial Wellness Training na isinagawa ng BDO Network Bank sa Bataan kung saan sila ay natuto ng tamang pag-manage ng kanilang funds. 

 

Bahagi rin ng programa ng BDONB ang pagsasagawa ng community day sa mga malalayong bayan para maghatid ng produkto at serbisyong makakatulong sa pag-abot ng pangarap ng micro-entrepreneurs, teachers, at beneficiaries ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

 

Community Day sa Bataan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga indibidwal at MSMEs na mag-apply sa produkto at serbisyong akma sa kanilang pangangailangan.   




 

 

Gaya halimbawa ng Kabuhayan Loanisang businessloan na dinisenyo ng BDONB para masuportahan ang MSMEs na nangangailan ng dagdag pondo para sa negosyo.  Mula Php 30,000 hanggang Php 500,000 ang maaaring i-loan ng walang collateral.

 

Para naman sa mga nais simulan ang pag-iipon, mayroong BDO Network Bank ATM Savings Account kung saan 2 valid IDs, Php 100 initial deposit at P100 ATM Card fee lang ang kailangan para makapagbukas ng account.  

 

Para malaman ang iba pang produkto at serbisyo ng BDO Network Bank, pumunta sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch sa inyong lugar, bumisita sa BDO Network Bank website (www.bdonetworkbank.com.ph), o kaya’y mag-direct message sa BDO Network Bank Official Facebook Page. (www.facebook.com/BDONetworkBankPH). 

 

 

###

 

 

About BDO Network Bank

 

Formerly known as One Network Bank, Inc. (ONB), BDO Network Bank operates as a subsidiary of BDO Unibank, Inc., the largest bank in the Philippines.

 

The Bank’s network of more than 300 branches and over 280 automated teller machines, most of which are in countryside Mindanao, is complemented by access to BDO’s network of more than 1,600 consolidated operating branches and more than 4,600 ATMs nationwide.

 

The corporate governance practices of the Bank are consistent with that of its Parent Bank: fairness, accountability, transparency, integrity, and performance.

 

With the support and guidance of its parent bank, BDO Network Bank aims to provide more innovative and convenient banking solutions to its growing customer base.

 

BDO Network Bank, Inc. is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph

 

Deposits are insured by PDIC up to P500,000 per depositor.

 

For account-related concerns, please visit your branch of account or contact us at the following:

Phone: (082) 233-7777 Email: customerservice@bdonetworkbank.com.ph

 

Rolled Into One Mom

No comments:

Post a Comment

Instagram