Sa ating pagsalubong sa bagong taon, hindi maiiwasan ang mga bagong problemang dulot ng kasalukuyang kalagayan ng mundo. Dahil sa matitinding hamon na ating hinaharap, ninais ng Alaska Fortified Powdered Milk na magbigay ng saya at ibahagi ang diwa ng bayanihan sa panahong ito. Kaya noong Disyembre, inimbitahan ng Alaska ang mga myembro ng Facebook group na MOMs of Alaska (MOMAs) upang pasiglahin at paligayahin ang Pasko ng mga kabataan mula sa mga bahay-ampunan ng Christian Compassion Ministries Foundation, Inc. at House of Refuge Foundation, Inc. Mahigit isang daang myembro ng Alaska MOMAs ang nagsama-sama para gumawa ng mga espesyal at personalized Christmas card na may mga makukulay na disenyo at taos-pusong mensahe para sa mga bata.
Ibinahagi ng Alaska ang Christmas cards sa partner orphanages, kasama ang 70 araw ng “Lakas at Talas” mula sa Alaska Fortified Powdered Milk products na nakatutulong sakaragdagang nutrisyon para sa brain at body development ng mga bata. Nagbigay rin ang Alaska ng mga laruan at educational materials na masayang tinanggap ng sabik na mga bata.
Nagpahayag ng pasasalamat si Mailyn Balairos, ang Center Head ng Christian Compassion Ministries Foundation, Inc. (CCMFI), isang Christian organization na naglalayong tulungan ang mga kabataan sa aspeto ng edukasyon, tirahan, medikal at pananampalataya. Ibinahagi ni Mailyn ang kanyang pasasalamat sa mga nanay na naglaan ng oras paragumawa ng Christmas cards para sa mga batang nasa pangangalaga ng CCMFI. “On behalf of CCMFI and the children, I wanted to convey my deepest gratitude to the moms of Alaska and to Alaska Fortified Powdered Milk for this unforgettable event for the children,” sabi ni Mailyn.
Nagpasalamat din si Riza Lepasana, OIC at Director ng House of Refuge Foundation Inc., isang non-profit organization na nakatuon sa pagtulong sa mga naulila at inabandonang mga bata sa Metro Manila, sa proyektong ito ng Alaska at MOMAs. “On behalf of House of Refuge, I sincerely thank the moms who made an effort to make this Christmas feel special for our kids, and to thank Alaska for sharing their blessings of ‘Lakas at Talas’ with our children,” sabi ni Riza.
Pinasasalamatan din ng Alaska Fortified Powdered Milk ang mga organisasyong nabanggit sa pagtulong at pagbibigay ng alaga at tahanan sa mga batang nangangailangan. Sa panahong ito na puno ng pagsubok, binibigyang-pugay ngAlaska ang House of Refuge at Christian Compassion Ministries Foundation at pinapangakong ituloy ang misyon nitong magbigay ng abot-kaya at kalidad na nutrisyon sa bawat bata at pamilyang Pilipino.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Alaska Fortified Powdered Milk, bisitahin ang www.alaskamilk.com at www.facebook.com/alaskamilkph.
No comments:
Post a Comment