Manila, Pilipinas - Sinalubong ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 400,000 na dosis ng Coronovac nitongnakaraang Araw ng Maynila. Kasama ni Moreno ang ilang mgaopisyales ng lungsod ang mga manufacturer ng bakuna naSinovac Life Sciences Ltd, na pinangatawanan ng Philippine distributor nito na IP-Biotech, Inc. (IPB).
Nagsimula ang selebrasyon ng Ika-450 na taon ng Araw ng Maynila sa isang pribadong pagtitipon sa Manila Metropolitan Theater kung saan pinasalamatan at binigyang pugay ng lokal napamahalaan ang ilan sa mga bukod-tanging mamamayan at negosyo ng lungsod Maynila. Nagbigay pugay din ang lungsodsa mga medical frontliner na inialay ang kanilang mga buhay sapakikipaglaban kontra COVID-19. Natapos ang kaganapannoong tanggapin ni Moreno ang mga dosis ng bakuna sa NAIA, na sinabi niyang isa pang hudyat ng pag-asa para sa mgaManilenyo.
Noong nakaraang buwan, matatandaang hikahos sa supply ng bakuna ang lungsod, kaya naman pansamantalang itinigil munaang pagtanggap sa mga walk-in vaccination. Ngunit, dahil sapagpa-plano at sa matatag na relasyong naitatag ng lungsod at ng IPB, napagpatuloy muli ang “Vaccine Nation” campaign ng Maynila.
Sa ngayun, nakamit na ng Maynila ang 41% ng kanilangdirektibang magbakunahaan ang 800,000 na mamamayan. Nakikitapagtulungan din sila sa Office of the Vice President sakanilang proyektong Vaccine Express, isang drive-through nabakunahan para sa mga miyembro ng transport sector nakailangan talagang mabakunuhan upang maipagpatuloy nila ang serbisyo nila sa pagpapasada. Bingyan din ang mga tsuper ng libreng gas card bilang pang-engganyo sa kanila namagpabakuna.
“Kaiba sa ating selebrasyon noong 2020, ipinagdiriwang natinngayong taon ang Araw ng Maynila nang pisikal tayongmagkakasama habang istriktong sumusunod sa minimum health protocols,” sabi ni Moreno.
“Ipagpapatuloy ng lungsod ang pagpapabakuna sa ating mgamamamayan as many as possible, as soon as possible. Ang atingpakikipagtulungan sa IP-Biotech at iba pang mga negosyanteang magpapabilis sa ating mithiing makamit ang herd immunity. Mas madaming mababakuhanan, mas maraming makakabalik satrabaho upang mai-ahon muli ang ekonomiya,” dagdag niMoreno.
“Kami ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat na kami ay naging parte ng misyon ng Lungsod ng Maynila upang makamitang herd immunity. Maligayang bati sa ika-450 na anibersaryong Maynila. Sana ay lagi silang maging maunlad.,” sabi ni IPB Chairman Enrique Gonzalez.
Maliban sa pagdating ng mga bakuna, binuksan din ng lungsodang kanilang bagong COVID-19 Field Hospital sa Araw ng Maynila. Nagtalaga rin ng panibagong arsobispo sa Manila Cathedral na si Archbishop Jose Cardinal Advincula, at sinumulan din ang Araw ng Maynila Racing Festival saCarmona, Cavite.
No comments:
Post a Comment